Miyerkules, Enero 04, 2012

THE GIFT [1/5/12]



Noong panahon na ang buhay ko sa araw-araw ay walang saysay. 

Inakala kong lalake lamang ang kulang.

Nanalangin ako kay lord, sabi ko:

Lord, bigyan mo ako ng boyfriend kahit sino, basta mamahalin nya ako, yung bibigyan ako ng atensyon.

paulit ulit na ganun ang panalangin ko kay lord. Makalipas ang humigit isang buwan, biglang pumasok ang isang lalake sa buhay ko. Matapos ang isang buwan at kalahi niyang pagsuyo saakin, naging kami.

Nang isang araw napansin ko na bihira na siyang kamustahin ako, siguro once a day nlang siya magtxt hindi tulad ning naliligaw palang siya na kung pwede oras-oras niya akong tatawagan.

lumipas ang ilang araw, lingo at buwan hindi niya na ako kinontak.

Nawala siyang parang bula.

I'd tried to move on, pero mahirap. Naghahanap ako ng comfort sa mga barkada ko pero hindi ko sinasabi sa kanila ang tunay na nangyari.

Biglang tumunog ang fone ko. Message galing sa isang barkada. "Gusto mo ng kuting? ang dami na kasing pusa dito saamin eh." sabi nya. Ako naman naisip ko na siguro kailangan ko ng diversion.

Pumunta ako sa kanila. Nakakita akong ng dalawang kuting. Isang purong puti at isang dilaw. Una akong na-attract sa purong puti ang liit kasi tapos hindi magalaw, eh napaka-common naman kasi ng dilaw na pusa parang pusang kalye.

Kaya lang ayaw naman ng nanay ko ng babae, eh yung puti babae pala, yung dilaw lang ang lalake.

Nakita ko bigla na may dumating na puting pusa na may batik na itim sa likod. 

Lumapit yung purong puti sa pusa, yun daw yung nanay nung puti, lumapit naman yung dilaw,

biglang inaway nung pusang ina, kawawa naman yung maliit na dilaw, tumakbo nalang sa isang sulok.

Tinanong ko yung barkada ko kung bakit hindi pinadede nung pusa yung dilaw na kuting. Kasi daw hindi naman daw yun yung nanay non, iniwan daw yun ng ina ng halos mag-iisang buwan na.

Bigla akong naawa sa pusang dilaw, kahit mabaho, maiksi at kulot ang buntot nya at parang sakitin, biglang parang naramdaman ko na siya na lang na siya dapat ang isama at alagaan ko.


sakitin siya, palaging natutulog at kulay green at laway kapag natutulog.

Dahil doon ayaw sa kanya ng mga kapatid ko pati mga magulang ko, ang tanga daw na pusa, pangit at mabaho.

ako naman, alam ko sa sarili ko na hindi ko pa siya gaanong gusto pero parang nagkakaroon ako ng protective tendency sa kanya. Ayaw kong pahawakan sa mga kapatin kong may history ng panggigigil sa mga pusa, binabantaan ko din sila na pagnalaman kong kinanti nila yung pusa ko malilintikan sila sakin. 

noong una, pinaiinom ko siya ng gatas, pero ayaw niya, nagsusuka siya kapag umiinom ng gatas, parang ako, hindi rin kasi ako umiinom ng gatas, nasusuka ako sa amoy at lasa.



isang linggo na saamin si PONG, yun ang pinangalan ko sa kanya. I named him after my latest ex.

Nahihirapan siyang maglakad ng matagal, gumalaw ng matagal at tumayo ng matagal. parang ang hina ng resistensya nya. Hindi niya kayang tumalon at maglaro ni hindi niya kayang tumalon mula sa upuan hanggang sahig.

Isa pang nakikita at nahahalata ko sa kanya ay yung never siyang nag-meow simula nung dinala ko siya saamin. Oo himihiyaw siya pagnasasaktan pero hanggang doon lang yun. Hindi diya gumagawa ng tunog ng walang dahilan.

At that time na nakita ang lahat ng yon, I realized na mahal ko na si pong. Hindi ko diya itinuring na pet ni minsan. Nauuna siyang kumakain bago ako, nabibilaukan siya ng tinik kaya pinanghihimay ko pa siya noon. 

Hindi ko man maipaliwanag kung bakit at paano pero parang naiiintindihan ko kung kailan niya gustong matulog, kung kailan niya kailangan ng tubig at kung anong masakit sa kanya, kung bakit siya takot at kung saan siya takot. Yung pakiramdam na para bang connected kami, yung pakiramdam na may strong bond siya saakin.

Nagigising ako kapag gumagalaw siya, katabi ko kasi siya matulog, nalalaman ko kung gutom siya o napupupo.

Siguro ay nakita rin ng mga kasama ko sa bahay ang pagmamahal ko kay pong at ang pagpapahalaga ko sa kanya.

Unang tinanggap ng bunso kong kapatid na 8 years old na babae si Pong. Sumunod yung pangalawa kong kapatid na babae, sunod yung bunsong lalake, sunod yung panganay naming lalake, si nanay at huli si tatay.

Lumaki na nang kaunti si Pong, pero palaging tulog at parang sakitin parin.


Naging super loved si pong sa bahay namin, nakikipagagawan na rin ako sa mga kapatid ko sa pagyakap at pagkiss sa kanya.

Twice a week kong pinaliliguan si pong depende kung may araw o wala kapag malamig ang panahon once a month lang. I don't want to take any risk pag dating sa kalusugan niya.

Sabi ng nanay ko, parang anak daw ang pagturing ko sa hayop. 


Tinakpan ko pa ang tenga ni pong para hini niya marinig yon. siguro matatawag na akong baliw sa mga sandaling iyon. Pero hinding hindi ko ipagkakaila na anak na nga ang turing ko kay pong, hindi na rin pusa ang tingin ko sa kanya kundi isang maliit na nilikha ng diyos para saakin. 



galing ako sa klase, hinanap ko si pong, hinalungkat ko ang buong bahay, wala siya, galit na galit ako sa mga kapatid ko pati sa nanay kasi pinabayaan nila si pong na lumabas, eh hindi naman kaya ni pong ang magulo at pangit na mundo sa labas ng bahay namin.

Galit na galit ako nang makita ng mga kapaid ko si pong na natutulog sa bahay ng lola namin na medyo malapit lang sa amin.

Kinuha ko si pong. Pagkakuha ko palang sa kanya naramdaman ko kaagad na parang may mali sa kanya. Ineksamin ko ang katawan ni pong kung may sugat o kung ano man. wala naman akong  nakita kundi sa basa niyang testicles. kumuha akong ng cotton at pinahiran ko. Halos mabaliw ako ng makita kong hindi tubig ang kung ano mang basa sa parteng iyon kundi nana.

Pinakita ko sa nanay ko. Umiiyak na rin ako kasi, paano naman makakakuha ng ganong sugat si pong, tamang tama ang hiwa sa pagitang ng testicles niya. galit na galit ako halos isumpa ko ang mga taong gumawa noon kay pong. 


I cried for days, kapag nakikita ko siyang nasasaktan, namamaga na kasi yung sugat. Takot na takot akong kunin ni lord saakin si pong. Ginawa ko ang lahat na paraan na alam ko para ma-treat yung sugat nya, bago ako matulog palagi kong pinagdarasal na sana gumaling na ang ANAK ko.


gumaling nga yung sugat paglipas ng ilang linggo. 

Nahalata ni tatay na malaki na si pong, malakas na rin ang resistensiya niya. sinabi saakin ni tatay na araw na lamang daw ang bibilangin ko at maghahanap na si pong ng babaeng pusa.

sabi ko naman, bakit naman?? eh baby pa kaya tong baby ko.



Nagkatotoo nga ang sabi ni tatay palaging pumupuslit si pong kapag gabi, umaga na rin kung umuwi. Akala ko panandalian lang kaya pinababayaan ko lang.





Patuloy si pong sa pagpuslit kaya kapag umaga stay in sa bahay kakain ng friskies nya at matutulog, minsan gusto ng lolo ko na matutulog si pong sa kandungan niya, siguro namana ko sa lolo ko ang pagkahilig sa pusa, palagi niyang hinahanap si pong ang kakargahin, paglalaruan ang patutulugin.



Mahal na mahal na ng buong angkan ko si pong.

Sunday morning, inabot akong ng tanghali sa higaan, bigla akong ginising ng mga kapatid ko, si pong daw! si pong! ako naman dali daling bumangon hindi pa naghilamos pati magmumog. Natatakot daw nilang kunin si pong kasi nagagalit kapag hinahawakan.



pinuntahan ko si pong sa bahay ng lola ko, natutulog sa bakanteng kwarto. Hinwakan ko ang likod niya, nagising si pong, itinaas ang ulo at gumawa ng nakapangdudurog ng pusong tunog. Para bang "ang sakit-sakit mama" ng pakarinig ko. Sabi ng mga kapatid ko, "ate baka kagatin ka! galit yan kanina!" 

Sabi ko naman:

Anak ko to kya kahit pa magkanda sugat sugat braso ko aakayin ko pa rin siya.

hindi niya naman ako kinagat.



Kinuha ko nga si pong, kumawala ang isa pang tunog sa leeg ni pong. "Mama masakit!"

Takot na takot mga kapatid ko na makagat ako at makamlot. Unang beses ka itong magkaganito si pong.

Karga ko na siya. Tumigil na siyang gumawa ng ingay.



Nilagay ko siya sa kwarto ko, minasdan ko kung paano siya maglakad sa kama, iika-ika. tiningnan ko ang testicles niya, wala namang sugat, hinawakan ko ang tiyan wala naman, hinawakan ko ang likod niya, nag-meow siya ng malakas, hinawakan ko rin ang mga paa niya, siguro doon ang pinakamasakit kasi nagalit siya ta binawi ang mga paa.



tiningnan ko ulit ang paa niya, may sugat ang left front leg niya, napansin ko rin na may bukol siya sa ilalim ng baba sa right side at buko sa left breast niya.

Awang-awa ako sa ANAK KO, parang durog na durog ang puso ko habang nakikita ko siyang ganon. Hindi siya kumakain, ayaw niya ng solid, naisip kong dumurog biogesic at ihalo sa tubig niya, sinubukan kong ipainom sa kanya, para namang ok lang sa kanya yung pait ng tubig.

Patuloy na ganun ang routine namin, hanggang sa pumutok na yung bukol niya sa paa, kinakain niya na rin ang dinurog kong crackers na may mainit na tubig.

ilang araw makalipas pumutok na rin yung bukol niya sa dibdib, napatalon pa nga si pong sa gulat dahil bumuhos yung nana galing sa dibdib niya. Naubos yung nana pero nanatiling butas yung sugat sa dibdib na makikita mo na parang karne ng batang baboy.

parang nandiri yung mga kapaitid ko kay pong, pati sina nanay sabi maiimpeksyon yun.

ako, wala akong pakialam kung may butas si pong sa dibdib, ang concern ko ay gumaling yun, kahit na makalbo si pong o maligo ng pupu mamahalin ko parin siya at yayakapin.

sabi ni nanay lagyan ko daw ng penicillin yung sugat, ginawa ko naman, gumaling at pumila nga yung sugat.

Laking pasasalamat ko kay lord.

Patuloy pa rin si pong sa paglala-labas paggabi pero hinahayaan ko na lang, nabasa ko kasi na nocturnal talaga ang mga pusa, siguro nararamdaman din yon ni pong ang call of nature sa kanya, kung saan siya masaya at kung saan siya maligaya susuportahan ko siya.

Umuuwi pa rin naman si pong para kumain at matulog saamin. Pero kahit na anong mangyari kahit masugatan uli siya ng sobra, kahit maligo lit siya ng sarili niyang pupu aakayin ko pa rin siya, aalagaan at mamahalin.

At kahit kailan hindi ako mapapagod sa pag-alaga at pag-intindi sa kanya at nararamdaman ko na alam iyon ni pong.



Mahal na mahal ko siya na higit pa sa buhay ko, pinahahalagahan ko siy ahigit pa sa sairli ko at kaya kong isakripisyo ang sarili ko para sa ikabubuti niya.



Dahil siya ang pag-asa at liwanag na dumating saaking kadiliman, siya yung naging purpose ko para gumising sa umaga, ang kulay sa naging dull kong mundo at dahil siya ay regalo saakin ng maykapal.



Salamat panginoon, thank you for the gift.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento